Introductory Essay
Paglalakbay sa Mundo ng Sining
Unang araw, sa aking mga unang hakbang sa silid, alam ko nang natatangi itong klaseng aking papasukan. Suot ko ang aking meme-shirt — na hindi ko naalalang suot ko — at napansin ito ng propesor, dala na rin siguro ng aking pagkahuli sa klase. Pinatutungkulan niya na pala ang aking damit na suot, kaya pala'y gano'n na lamang ang halakhak, habang ako, ayun, tuliro sa nangyayari. Simula no'n, naging madalas na ang pagtukso sa akin patungkol sa meme.Hindi ito ang tipikal na klaseng pinapasukan ko sa aking kurso bilang Civil Engineer, panay matematika at syesnsya. Dahil nga natatangi sa iba kong mga subject, napukaw nito ang aking atensyon. Naging matatalino ang mga diskusyunan, mula sa depinisyon ng Sining, sa mga pakinabang nito sa lipunang ating ginagalawan, naging partikular sa mga kultura, hanggang napadpad sa mga isyu ng ating bansa. Hindi nakaka-antok makinig kay sir, dala na rin siguro ng pagtaas at pagbaba ng boses niyang inaayon sa laman ng mga pangungusap.
Mula pa nang high school ako, hindi na talaga ako nahilig sa mga pambansang isyu, sa isip isip ko ay, "hayaan ko na ang mga namumuno problemahin yan, kaya nga sila ang nasa pwesto, e." Pero sa loob ng unibersidad na ito, lalo na sa mga klaseng nagtuturo ng mga isyung panlipunan, arts, namulat ang aking kaisipan. Dahil sa klase, alam kong dapat akong maki-alam sa mga nangyayari sa paligid, na hindi dapat ako maging ignorante sa aking sariling bansa.
Isa pang bagay na aking bibigyang diin sa klaseng ito ay ang pagiging maluwang sa isip, sa puso, at kaluluwa sa mga estudyante. Dito kasi, hindi ko na iniinda kung ano bang grado ang makukuha ko, lubusan kong natutunang bigyang halaga ang kaalaman kaysa grado. Sabi nga ni Rancho ng 3 Idiots, "Follow behind excellence, success will come all the way behind you".
Pero hindi makukumpleto ang paglalakbay na ito kung hindi dahil sa mga kagrupo kong ubod ng sipag at tiyaga. Wala nang iba pang mas makakapagpagaan ng pakiramdam mo bilang kagrupo kundi malamang lahat sila'y mayroong partisipasyon. Mas nahikayat din akong ilahok ang aking sarili sa mga gawain, tumulong sa abot ng aking makakaya, at hindi maging pabigat, hehe.
Hanggang sa muli nating pagkikita sa unibersidad, Sir Emmanuel Dumlao, hindi ka lamang isang propesor, isa kang bayani na nagliligtas sa mga mag-aaral mula sa kamangmangan. Mabuhay ka! Apir!
Comments
Post a Comment