Dramatic Poem

                   Ang "Antipara" ay isa sa dalawang tula na aking ginawa at natatanging nakasulat sa wikang Filipino. Tungkol ito sa kalungkutan, damdaming inihalintulad ko sa kung paano namamaalam ang isang nagmamay-ari ng salamin o antipara, itatabi ang luma, kalauna'y kalilimutan. Sa pagsapit ng mga araw, kanyang yayakapin at pupunuin ng pagmamahal ang bago't wala pang gasgas na pares ng mga lente. Hinahayaan ko na ang mga mambabasa para punan ang kanilang mga imahinasyon ng moral ng tula, salamat.





ANTIPARA
(lungkot)

Ako'y antigong antipara
ikinulong muli,
makalipas ang taon,
sa munting kaha,
kapiling ng alikabok.

Sisipatin na lamang
ang iyong kaligayahan
kasama ang bagong pares ng mga lenteng
magtatakas sa'yo sa mundong
pinalabo ng panahon

Comments

Popular posts from this blog

Baybayin

Ekphrasis

Introductory Essay