Introductory Essay
Paglalakbay sa Mundo ng Sining Unang araw, sa aking mga unang hakbang sa silid, alam ko nang natatangi itong klaseng aking papasukan. Suot ko ang aking meme-shirt — na hindi ko naalalang suot ko — at napansin ito ng propesor, dala na rin siguro ng aking pagkahuli sa klase. Pinatutungkulan niya na pala ang aking damit na suot, kaya pala'y gano'n na lamang ang halakhak, habang ako, ayun, tuliro sa nangyayari. Simula no'n, naging madalas na ang pagtukso sa akin patungkol sa meme. Hindi ito ang tipikal na klaseng pinapasukan ko sa aking kurso bilang Civil Engineer, panay matematika at syesnsya. Dahil nga natatangi sa iba kong mga subject, napukaw nito ang aking atensyon. Naging matatalino ang mga diskusyunan, mula sa depinisyon ng Sining, sa mga pakinabang nito sa lipunang ating ginagalawan, naging partikular sa mga kultura, hanggang napadpad sa mga isyu ng ating bansa. Hindi nakaka-an...